Archive for January, 2007

…sana maidlip

Saturday, January 27th, 2007

ilang gabi ng hindi makatulog… kinakaibigan ang buwan sa pagbibilang… sa bawat segundong lumilipas… at unti-unting kinakain ng kawalan…

ilang gabi ng nag-iisip… ilang gabi ng hindi nananaginip…

patuloy lang sa paglutang… kasama ang pusong di malaman ang gagawin… kung may magagawa lang para maayos ang pintig… kung may magagawa lamang para mapayapa ang ligalig…

kung pwede lang hindi maramdaman… kung pwedeng maging manhid na lamang… habang sa puso’y lumalaki ang puwang… lalong naghahanap, lalong nagpapahirap…

kung sana’y nandito siya… kung sana’y nararamdaman niya… kung pwede lang bumulong ang puso… at magtanong kung nasan na ba siya?

…dahil puso’y gustong balikan ang hindi pa masyadong naglalaon

…kung kailan nananabik matulog

…at nagmamadaling gumising upang damhin ang init ng umaga…

taning

Sunday, January 21st, 2007

akala natin maayos na ang lahat… lilipas ang mga araw, buwan o maging taon… mistulang permanente na ang kislap sa bawat ngiti…

hanggang malalaman na lang nating iilang oras na lang ang natitira… sa ganda ng umagang itatago na ng gabi… tila liwanag na pakukupasin na ng dilim…

tila lahat ng bagay ay malulunod na ng kalungkutan… hindi maaninag ang pag-asa… tuluyan ng mawawalang saysay ang sigla… tuluyang makakalimot sa paghinga…

kung kelan akala mo na nakita mo na ang iyomg ligaya;

kung kelan akala mong may pupuntahan na ang lahat;

kung kelan akala mo na wala ng puwang ang pag-iisa…

dun darating ang di inaasahan… sakim nga ba ang panahon para bawiin ang sigla, ang ngiti, ang buhay?

isusuko na lamang ba ang lahat? ititigil na lamang ba ang kahibangan? hahayaan na lamang ba na mabalewala ang lahat?

maya maya pa’y nasa bingit na ang lahat ng isang paalam…

at sa huli’y maiiwan kang sugatan at wala ng pakiramadam… walang ganang sumaya, ngumiti, malungkot, magalit, magtanong, mag-isip… ilang mga bagay na hahayaan na lamang sa kawalan…

why love?

Sunday, January 21st, 2007

why do we love when in the end we get our hearts broken…

why do we love when in the end we lose everything…

why do we love when in the end we shed a thousand tears…

why do we love when in the end we’re left with nothing…

why do we love when in the end we’re forced to give up…

why do we love when in the end we’re stuck in oblivion…

why do we still love while knowing all this consequences?